|
(Privilege Speech of Rep. Mujiv Hataman delivered before the Plenary Session of the House of Representatives, December 4, 2007) Assalamu alaikum warahmatullahi taala wabarakatuhu It is with utmost regret that I consciously prevent myself from addressing you, honorable members of this most august chamber, as “colleagues”… for ladies and gentlemen, last Thursday, November 29, this representation has been charged with multiple murder and multiple frustrated murder before the Department of Justice, based solely on the words of an Ikram Indama, in the third supplemental statement that he issued, and the retracted statement of former Tuburan Mayor Hajarun Jamiri. By God, I swear that these accusations are not true, but by the maneuver and manipulation of unseen hands, they have succeeded in pulling me down to the lowest rank of criminals, thus, as a respect to you, and to this honored body, I prohibit myself from addressing you as “fellows” o ang tawagin kayo bilang “mga kasama.” However, allow me to honor you with the update on the latest script of the telenovela, that is, the House of Representatives bombing. My apologies for the pun, for I know that what we went through when the explosion occurred can never be the subject of a joke… however, as the days and weeks passed, the drama started to unfold, with yours truly slowly being brought into the limelight, my person, gradually molded to be one of the leading characters. Naging saksi po tayong lahat sa aksidenteng pagkakahuli sa mga suspek sa Payatas, at kung paano maswerteng basta na lang tumambad sa harapan ng ating kapulisan ang lahat ng ebidensiya na magpapatunay na sila nga ang may kagagawan ng pagsabog. Ngunit, tulad ng karaniwang telenovela, upang manatiling may misteryo sa kwento, kinailangang mamatay ang isang Abu Jandal, na sinasabing bomb expert at isang Abu Sayyaf. Namatay rin si Ridwan Indama, na ayon sa mga nahuli ay siyang nakikipag usap at humaharap sa mga masterminds. Kung hindi sana sila namatay, natapos na sana ang kwento, at lumabas na sana ang katotohanan. Ngunit paano kung ang paglabas ng katotohanan ay taliwas sa wakas na gustong mangyari ng director?
At paano si Saing Indama, ang nagdadalang-taong asawa ni Ridwan Indama na kasama sa mga namatay? Sino siya at bakit niya kinailangang mamatay? Walang sinumang nagtanong o pumansin, dahil ba sa isa lamang siyang babaeng nagkataon lang ay nasa maling lugar sa maling pagkakataon? Nang mahuli sina Ikram Indama at dalawa pang kasama nito sa bahay, lalong gumulo ang kwento, at unti-unti nang dumami ang tauhan, habang pilit na idinidikit sa akin ang mga nasabing suspek. Una, ang pagiging magkamag-anak namin ng namatay na si Redwan Indama, pagkatapos ay ang pagiging empleyado raw ni Ikram Indama sa aking opisina. Lahat ng mga ito ay aking hinarap at sinagot. Ngunit muli na naman akong idinawit ng pangalanan ni Ikram Indama si Benjamin Hataman, o Jang, na pinsang buo ko. Lingid sa aking kaalaman, noon pa palang November 16, sa unang salaysay umano nitong Ikram Indama, mabigat na po ang mga paratang nito kay Jang. Ngunit nang personal at boluntaryo akong pumunta sa tanggapan ng CIDG ng November 19, ay pabulong lang pong tinanong sa akin kung kilala ko si Jang, ngunit hindi naman ito hinanap sa akin o tinanong kung nasaan. Ako pa ang boluntaryong nagsabi na kung kinakailangan, ay papupuntahin ko ang bata sa kanila. At boluntaryo nga pong pumunta si Jang sa CIDG noong Nobyembre 20. May karampatang kaso na laban kay Jang at lahat ng mga alegasyon laban sa kanya ay kanya ng haharapin at sasagutin sa husgado. Ngunit isa na namang tauhan ang lumabas, si dating Tuburan Mayor Hajarun Jamiri. Ayon umano sa kanyang salaysay, tahasan niya kaming pinangalanan, ako at ang aking nakatatandang kapatid, bilang mga masterminds ng nasabing pagbomba. Ang mga pahayag na ito ang naging malakas na ebidensiya ng PNP sa paghain ng kaso laban sa akin. However, honorable members of this august body, last November 29, during the Preliminary Investigation before the Department of Justice, Hajarun Jamiri refused to affirm these statements in front of the prosecutors, saying that those were not his words, that it was those who detained him who prepared the sworn statement and he was just forced to sign it. At ayon po sa mga kamag-anak ni Jamiri, siya po ay sinaktan, kinuryente at iba pang porma ng pag torture para lamang idiin at isangkot kaming magkapatid. Hindi po bago sa akin ang mga kwentong ganito. Sa loob po ng mahigit na sampung taon ko bilang human rights worker, pangkarinawan na po ang mga ganitong pangyayari. Ngunit iba po pala kung sa sarili mo na mismo nangyayari ang ganito. Kung ang tunay na may sala ang nais nilang panagutin, bakit kailangan nilang manakit para lamang makakuha ng kasinungalingan at may ibang taong mapangalanan? Kung katotohanan at hustisya ang hanap ng ating awtoridad, bakit kailangang magtagpi-tagpi ng mga kasinungalingan at idiin ang kahit sinong nais nilang mapag bintangan? Ito po ba ay isa lamang klasikong ehemplo ng sinasabing basta na lamang mag akusa para matapos na ang imbestigasyon? O isang mas malalim na kaso ng panlilinlang upang pagtakpan ang tunay na salarin, at kasama ng mga namatay, ay mailibing na rin ang katotohanan? Alin man sa dalawa, isa lamang ang natatanging tanong ko - bakit po Ako? As a private citizen and as a lawmaker, I have always been known to be a critic of state policies and actions which are oppressive, suppressive, abusive and infringes upon the rights of the people, especially of the highly marginalized people of Mindanao and my fellow Muslims. This has always been my advocacy and my work – and in my performance thereof, I always found myself in “not-so-cordial” relations with authorities. However, in this case, despite the implications and insinuations against me, and despite the unfriendly circumstances with authorities in the past, I remained confident that an impartial and thorough investigation will eventually clear my name. Up to the last minute, I and my family held on to that trust and confidence on the PNP’s investigation. But, I appeared to be wrong. Foremost, how can the investigation be impartial when apparently, a campaign to smear my name and to cast more doubt on my person and character has already been waged in the media? Ladies and gentlemen, just last week, a friend, who is thankfully concern, gave me a copy of this white paper, which allegedly came from intelligence people and circulated among the media. Much as this paper wants to present itself as an objective analysis of the bombing incident, nakapagtataka po kung bakit masyado itong nag aksaya ng mas maraming papel at tinta upang isiwalat ang aking umanong kaduda-dudang pagkatao. I was labeled as a “Muslim activist and radical thinker who is aligned with the political opposition.” It went as far as accusing me of having links with Muslim radical groups. Ngunit ang nakakalungkot, sa harap ng mga alegasyon nito tungkol sa akin, walang isinaad na ebidensiya o “credible source” man lamang nitong mga ikinalat na impormasyon. At ang mas nakakalungkot, ay sa gitna ng tapang ng kanyang napakagandang titulo na “Who Killed Wahab Akbar?,” ay puno ng kaduwagang itinago niya o nila ang kanilang pagkatao. Ngunit kung sino man ang sagot sa tanong na ito, kung sino nga ang pumatay kay Wahab Akbar, kung totoo ngang siya ang target sa naganap na pagsabog dito sa Kongreso, isa lang ang sigurado, nagsasaya siya o sila ngayon sa tagumpay ng pagpatay kay Congressman Wahab Akbar, at marahil sa tingin nila ay magtatagumpay din sila sa pagtakas sa krimeng ginawa nila at pagdiin sa isang taong marahil ay naging o magiging hadlang sa mga krimeng ginawa at gagawin pa nila. This white paper also specifically mentioned the raid of the Islamic Information Center in January 2005, for which yours truly, along with other Muslim Representatives called for a Congressional Hearing. This House found the raid and the arrests as illegal, the evidences planted, and that the CIDG operatives conducting that raid committed gross human rights violations, exposing the anomalies and irregularities of CIDG operations. Thank you for refreshing my memory, and therefore making me ask, hindi kaya ito isa sa mga dahilan sa pag-ipit sa akin ngayon? Mga iginagalang kong mambabatas, mahirap po ang magbigay ng spekulasyon o akusasyon. Ngunit ngayon ko lamang po unti-unting naiintindihan ang naikwento sa akin ng aking kapatid noong nakausap niya ang driver ng tinted at walang plakang sasakyan na umaaligid sa aming bahay ilang araw matapos ang pagsabog. Hindi ko po ito pinansin o binigyan ng halaga noon, at ngayon ko lamang napagtanto ang bigat ng mga salitang ito. Nang sitahin daw po niya bakit walang plaka ang kotse, at sinabi niyang, baka hulihin sila, ang sagot daw po sa kanya ay, “Ano? Huhulihin nila ang manghuhuli?” Maaaring isa lamang pagyayabang, o aroganteng sagot, ngunit nakakatakot pong isipin ang bigat at katotohanan sa likod ng mga pahayag na ito. Habang lumalalim po ang misteryo sa kwentong ito, at tila lumilihis sa daang patungo sa katotohanan, marahil ay tama nga at kailangang suportahan at isulong ang panukalang magbuo ng isang “independent investigative body” hindi lamang upang malaman ang katotohanan sa naganap na pagsabog, kundi maimbestigahan din ang ginagawang imbestigasyon. Sa laki po ng ating inilalaang budget sa intelligence at sa buong kapulisan at militar, obligasyon po natin ang igarantiya na ang mga institusyong ito ay hindi nagagamit, at lalong hindi nagpapagamit sa panlilinlang sa taong-bayan at para sa interes ng iilan. Second, how can it be thorough when everything just relied upon the statements of suspects, others as now revealed, were forced out from the suspects by torture? Merit has been given to words of people who has no direct knowledge of the incident and whose motives in implicating me are obviously for their own personal interests? Naiintindihan ko po at sinusuportahan ang panawagan ng mga biktima para sa hustisya. Ngunit ang hustisya po ay makakamit lamang sa malayang paghahanap ng katotohanan. Kung ito po ay pinangungunahan na ng personal na opinion, haka-haka, galit at direktang intensiyon na manira ng pangalan ng iba, hindi na po ito paghahanap ng katarungan kundi isang direktang pagkakait ng hustisya sa mga biktima. Nananawagan po ako lalo na sa pamilyang Akbar na tahasang nag aakusa sa akin, kung katarungan para kay Congressman Akbar and hangad ninyo, isang malalim at masusing imbestigasyon ang inyong hilingin, nang walang halong kasinungalingan o impluwensiya ninuman. I also appeal to the Akbar family, to be wary of people, even those who say are their allies. Hindi lahat ng mga taong nakapalibot sa kanila ay nag hahangad ng hustisya, bagkus ay mas nakatutok sa pagsira sa aking pangalan upang maprotektahan ang kanilang mga political interest at plano sa Basilan. Kung ito lamang ang inyong hangarin, sabihin lang ninyo, at nakahanda akong iwan ang aking posisyon, tigilan niyo lang ang mga kasinungalingan at malisyosong pagyurak sa aking pagkatao. Kailanman ay hindi ko hinangad ang magkaroon ng posisyon sa pulitika, at anumang oras ay kaya ko itong talikuran, mapanatili lang ang katahimikan ng aking pamilya. Ang paglilingkod sa sambayanan ay hindi limitado sa pagiging miyembro ng Kongreso o sa pagiging halal na opisyal. Ginagawa ko na po ito noong isa akong ordinaryong mamamayan at magagawa ko po ito kahit wala na ako sa Kongreso. However, if there are some members of the Akbar family and his allies, who are bent on implicating me and who are taking advantage of this situation to push their political agenda, at the expense of justice, wala na po akong magagawa, lalo na’t kung ang ating awtoridad, knowingly or unknowingly, ay nagpapagamit din sa kanila. Ngunit nais ko lamang pong ipaalala, na hindi lamang po ang pamilyang Akbar ang naging biktima ng nasabing pagsabog. Nariyan po ang pamilyang Bustalino, Taldo, Hayudini, at… ang iba pang naging biktima, sina Congressman Teves at Congresswoman Ilagan, at iba pang mga sugatan, sa lahat ng mga nandito, huwag po sana nating hayaan na maging biktima muli sa ikalawang pagkakataon. Ito po ay kwento rin ng buhay ng mga mahal nating nasawi, mga buhay nating nalagay sa panganib, at buhay naming napagbibintangan. Huwag po tayong manatiling tagapagmasid lamang. Karapatan po nating wakasan ang kwentong ito ng tama – isang wakas ng pagkamit ng hustisya para sa lahat. Isa pong mapagpalayang bati sa inyong lahat, at taimtim na dasal para sa Hustisya at Katotohanan. Huwag po sana nating hayaan na patakbuhin ng iilan ang buhay nating mga mamamayan na parang isang pelikula lamang, alinsunod sa kagustuhan ng iilang nais maging Direktor o Tagapagsulat ng Kasaysayan ng ating Bayan. Maraming Salamat po. REP. MUJIV S. HATAMAN ANAK MINDANAO (AMIN) Party List December 4, 2007 |
Hataman - Dumarpa An...
salamat! - Salam everyone! This is Dj...
Hataman - Dumarpa An...
Ms. - This is really great ! God spee...
Hataman - Dumarpa An...
NOTICE - To all guests: We would lik...
Hataman - Dumarpa An...
I think the term discrimination captu...
Hataman - Dumarpa An...
This is just great - This bill is gre...
Hataman - Dumarpa An...
Post Your Comments Here - Please Post...