Rep. Mujiv Hataman of AMIN Party List and Rep. Faysah RPM Dumarpa of Lanao del Sur had filed two different bills on anti-Discrimination. Their bills are now being consolidated into one.
This consolidated bill is now on the process of being formulated and framed. We would like to hear your views about this bill and help contirbute to its construction by making your comments on its draft posted here.
Please Click on the links below to read the bill and post your comments.
Mr. Speaker, ayon sa pahayagang Inquirer, sinabi po ni Commissioner Florentino Tuazon, Jr. ng COMELEC, “Elections in ARMM were abnormal because it was generally peaceful.” Hindi ko po maintindihan, Mr. Speaker, kung iniinsulto niya ang mag kongresista sa ARMM o pinapatawa. Iyon ang hindi ko po maintindihan. Pero ang malinaw, Mr. Speaker, hindi po naming alam kung ano ang sukatan ng Commission on Elections sa sinasabi nilang “peaceful”. Peaceful ba ang halalan kung malawakan ang bilihan ng boto? Peaceful ba ang halalan kung malawakan ang dayaan kahapon sa ARMM? Peaceful ba ang halalan kung mayroong putukan? Peaceful ba ang halalan kung mayroong barikada at ayaw bumoto ng mga tao? Kung peaceful sa COMELEC ang ganitong klase ng halalan, ano pa kaya ang tawag nila sa nakaraang halalan kung saan naging kontrobersiya ang “Hello Garci” tapes. Mr. Speaker, mga iginagalang kong kasama, dagdag pa ng COMELEC, kung mayroon man daw mga nangyayaring kaguluhan, ito ay mga isolated cases lamang.
Sa aking pagkakatanda, Mr. Speaker, mga kasama, mula noong 1989 hanggang 2001 elections, hindi pa po ako naka-witness, hindi ko po nasasaksihan, at hindi ko po nadinig na mayroong barikada ang mga ordinaryong mamamayan upang hindi lamang ma-distribute ang mga ballot boxes dahil sa kawalan ng tiwala nila sa Commission on Elections. Ayon sa kanila, nagkaroon daw ng barikada sa South Upi, Maguindanao dahil ayaw ng mga residente na bumoto. Bakit nga naman daw sila boboto kung saan ang mga inihalal nuong nakaraang 2004 ay hindi pa naproklama mula alkalde hangggang konsehal hanggang sa kasalukuyan? Bakit nga naman daw sila boboto, ang mga taga-South Upi, Maguindanao, kung saan tatlong alkalde ang kanilang iprinoklama doon sa South Upi, Maguindanao, kung saan nalilito ang mga residente sa South Upi. Mr. Speaker, mga iginagalang kong kasama, mauunawaan natin ang mamamayan sa South Upi kung ayaw nila sa ARMM. Hindi pa nga tapos ang halalan sa kanila, papasok na naman daw ang panibagong halalan na wala naman silang kapaki-pakinabang.
Dagdag pa ng COMELEC, Mr. Speaker, mga kasama, ang pag-aresto raw nila sa isang alkalde na nagpaputok sa loob ng presinto ay malaking tagumpay para sa kanila. Pero, Mr Speaker, nakakalungkot isipin, sa aming bayan po, sa Basilan, sa kauna-unahang pagkakataon, kahit sabihin pa ni Commissioner Tuazon na pinaka-malinis na halalan daw ang naganap na halalan kahapon, pero sa kasaysayan po ng Basilan, ngayon lamang at kahapon lamang nagkaroon ng halalan sa buong kasaysayan ng halalan sa Basilan na mayroon nang nagaganap na halalan gabi pa man bago ang araw ng halalan. Ayon kay Deputy Speaker Salapuddin, nagpadala po siya ng text sa kanyang bayan mismo at sa kanyang baryo mismo kung saan rehistrado siya. Pagpunta niya sa barangay na iyon, tapos na ang halalan sa kanyang baryo.
Mr. Speaker, ito ba ang mapayapa at matagumpay na halalan sa ARMM? Ito po ang dahilan kung bakit kami humiyaw sa COMELEC at umapela sa Korte Suprema, Mr. Speaker, na kung maari ipagpaliban muna sana ang halalan sa ARMM. Subalit ang sagot ng COMELEC, tanging Kongreso lamang daw ang puwedeng magpaliban dahil tayo ang nagpasa ng batas upang i-set ang halalan kahapon.
Tama po ang COMELEC, Mr. Speaker, mga kasama, pero ang pinagtatakhan ko, kung mabait sila sa pagsunod ng Republic Act 9333 upang magkaroon ng halalan kahapon, bakit, Mr. Speaker, hindi nila sinunod na dapat ang halalan kahapon ay computerized ayon din sa batas na ipinasa ng Kongresong ito? Anong mayroon sa Republic Act 9333 na sinunod nila at wala sa R.A. 8346 ang computerization?
Mr. Speaker, sa Inquirer din po, Mr. Speaker, ayon sa interview ng PDI-Mindanao bureau, sinasabi nila isang guro ang tinutukan ng .45 kasama ang watcher ng ibang partido at kinuha ang mga balota, itinakbo ang ballot box. Matapos ang isang oras. Ibinalik ang balota may sulat na po ng kandidato na nagmula sa Lakas.
Mr. Speaker, kung nais nating linisin ang halalan, ang tingin ko walang kampi-kampihan maging kandidato man ng Lakas. Panahon na siguro upang idisiplina natin ang ating mga kasamahan.
Mr. Speaker, noong mga nakaraan, laging laman ng diyaryo, laging laman ng bukambibig natin kahit sa ating pagdinig sa Kongreso, bakit daw naging matindi at malawakan ang dayaan sa ARMM? Ang isang malinaw, Mr. Speaker, noong 2004 election, hindi po ang mga Muslim ang mandaraya kung hindi ang ilang perpetrators kasama di umano ang ilang miyembro ng Komisyon ng COMELEC, ang ilang miyembro mismo ng military, ang ilang mga politiko na kakampi ng administration, at maging di umano ang ating Pangulo ay sangkot sa nasabing dayaan.
Mr. Speaker, itong halalan na ito ay halalan ng administration dahil ang lahat po ng kandidato ay kandidato ng adminitstrasyon, Iyon nga lamang, mayroong paborito ang admistration at mismo, si Speaker De Venecia ang nagtaas ng kanyang kanang kamay bilang official candidate ng LAKAS-NUCD.
Mr. Speaker, sa bahagi po ng aming partido at sa bahagi ng representasyong ito, nananawagan po ako sa inyo upang maibalik ang dignidad ng mga Muslim sa usapin ng eleksyon. Panahon na sana upang magkaroon sana, sa inyong tulong, ng isang malakawang imbestigasyon, upang makita natin ang pagkukulang at maituwid kung ano iyong mga pagkukulang sa naganap na halalan kahapon.
Hataman - Dumarpa An...
salamat! - Salam everyone! This is Dj...
Hataman - Dumarpa An...
Ms. - This is really great ! God spee...
Hataman - Dumarpa An...
NOTICE - To all guests: We would lik...
Hataman - Dumarpa An...
I think the term discrimination captu...
Hataman - Dumarpa An...
This is just great - This bill is gre...
Hataman - Dumarpa An...
Post Your Comments Here - Please Post...