Thursday, 18 March 2010
Home
About AMIN
AMIN in Congress
News and Updates
AMIN Photo Gallery
AMIN Links
AMIN Guestbook
Search
Privacy Policy
Contact Us
Syndicate
VIVA AMIN
amin_sticker_corel.jpg
*-*-*-*-*
amin_tshirt_flags.jpg
bulletins
Visitor Log



Login Form





Lost Password?
Home
The Hataman-Dumarpa Anti-Discrimination Bill

Rep. Mujiv Hataman of AMIN Party List and Rep. Faysah RPM Dumarpa of Lanao del Sur had filed two different bills on anti-Discrimination. Their bills are now being consolidated into one. 

This consolidated bill is now on the process of being formulated and framed. We would like to hear your views about this bill and help contirbute to its construction by making your comments on its draft posted here.

Please Click on the links below to read the bill and post your comments.

 Click here to Download

Click here to view and Comment


REP. HATAMAN DELIVERS PRIVILEGE SPEECH ON KIDNAP FOR RANSOM

Assalamu alaikum warahmatullahi taala wabarakatuh

Today, honorable members of this house, I rise to confirm that the nightmare that we long feared has come. Today, no amount of apathy, can erase the fact that no one, not even the most unfortunate among us, especially among our constituents, can escape the fear of being abducted in exchange for a ransom demand. We can no longer continue closing our eyes to the reality that the crimes of Kidnap For Ransom are no longer isolated cases which happen every once in a while, and only to those who are considered rich.

Not even the kidnapping of a media icon, Ms. Ces Orena Drilon in June of 2008 prepared us for what lied ahead. Ces Drilon, together with her cameramen Jimmy Encarnacion and Angelo Valderama accompanied by Prof. Octavio Dinampo of the Mindanao Peoples’ Caucus went to the jungles of Sulu to get an exclusive interview with a rebel leader but was kidnapped in Maimbung on June 8, 2008. The ransom demand was reported to be 20 Million pesos.

Sinubaybayan ng sambayanan ang insidenteng ito hanggang sa tuluyang napalaya sina Ces at ang kanyang mga kasama. But there were other kidnapping incidents, before and after Ces Drilon.

Earlier, on January 2008, Father Rey Roda, OMI, was abducted in Tawi-Tawi. Father Roda, was the Director of the Notre Dame of Tabawan in Tawi-Tawi. On the evening of January 15, armed men barged into the chapel where Father Roda was praying purposely to abduct him. He struggled and resisted saying that he preferred to be killed right there and then. Witnesses said the armed men tortured him and then shot him to death before leaving, taking with them Omar Taup, a teacher of the Notre Dame.

Noong September 15, 2008, muli na naman tayong nagulantang sa balitang kidnapping nang mga NGO workers sa Basilan. Sina Esperencita “Espie” Hupida, Program Director ng Nagdilaab Foundation, Inc. at si Millet Mendoza, isa ring kilalang aid worker na sa loob ng mahabang panahon ay labas-masok sa kagubatan ng Sulu at Basilan dahil sa mga serbisyo at proyekto nila sa mga nasabing probinsiya. Humingi ng 7M na ransom ang mga kidnappers para kay Mendoza at ayon sa mga news reports, nagbigay naman ang pamilya ni Hupida ng 2M bago ito pinalaya.

Sa isang forum na inilunsad ng mga kapamilya ng KFR victims mula Mindanao noong November 4, 2008, sa pangunguna ni Ms. Merli Mendoza, kapatid ng nakidnap na si Millet, lumabas sa kanilang pag-aaral na sa loob ng labing isang buwan, mula Enero hanggang Nobyembre ng taong 2008, in the ZAMBASULTA (Zamboanga, Basilan, Sulu and Tawi-Tawi) area alone, may 33 KFR cases nang naitala, at may estimated na halos P50 Million na ransom ang naibayad sa mga KFR groups.

Maliban sa mga high profile na kidnapping incidents, may mga insidenteng hindi na nailalathala at hindi dumarating sa atensiyon ng madla.

Noong June 26, 2008, limang empleyado ng Basilan Electric Cooperative ang na kidnap sa Tuburan, Basilan. Sina Albert Singson, Emmilberto Singson, Paul Herowig, Birin Herowig at Ronnie Tansiung ay dinukot ng mga armadong kalalakihan habang nagbabasa ng metro ng kuryente sa nasabing lugar.

July 13, 2008, dalawang barangay officials ng Lantawan ang kinidnap at pinakawalan matapos magbigay ng “Board and Lodging fees” na nagkakahalaga ng P500,000.00, samantalang isang Mr. Bautista, isang businessman sa Zamboanga ang dinukot din at dinala sa Basilan, pinakawalan matapos magbayad ng ransom.

July 20, 2008 isang owner-driver ng pang pasaherong jeep na si Mr. Ronnie Ando, kasama ang kanyang pasaherong si Vilma Sumergido at anak nito ang na kidnap sa Lamitan, Basilan.

November 26, 2008, alas siyete ng gabi, si Nicole Rabeche, siyam na taong batang babae, anak ng isang Filipino seaman, ay hinablot mula sa kanyang inang tinutukan ng baril, malapit sa kanilang bahay sa Lamitan, Basilan.

December 12, 2008, principal ng Kutah Sairap Elementary School, ang dinukot sa Parang Sulu.

December 14, 2008, a 22 year old Chinese-Filipino businessman, Peter Go, was kidnapped at around 7:45 am in Jolo, Sulu. Go is still in captivity to this day.

January 8, 2009, Mr. Eliseo Hablo, 45 years old, owner of Julies Bakeshop, was kidnapped in Zamboanga City.

January 15, 2009, ICRC members Andreas Notter, Eugenio Vagni and Mary Jean Lacaba were kidnapped in Sulu.

January 23, 2009, Freires Quizon, Janette delos Reyes and Rafael Mayorada, all of whom are teachers, were kidnapped on board a motor boat off the shores of Zamboanga City. According to news reports, ransom demand is 6 million pesos.

January 28, si Elizar Gomera, isang midwife na empleyado ng Lamitan local government ang pumunta sa Barangay Parangbasak sa nasabing siyudad upang tumulong sa panganganak ng isang residente doon. Hindi na siya nakauwi sa kanilang bahay. Inabangan siya ng mga kidnappers at hanggang ngayon ay bihag pa nila. May lumabas na balita kani-kanila lang na ito raw po ay nakatakas, we are still trying to confirm this report.

February 1, 2009, si Chester Gruta, siyam na taong batang lalaki, na bumili lang ng suka sa tindahan malapit sa kanilang bahay sa Lamitan, ang dinukot ng mga lalaking nakasakay sa motorsiklo.

February 2, 2009, si Diokhing Que, 60, may-ari ng isang maliit na grocery sa Jolo ay dinukot ng mga armadong lalaki habang pauwi siya sa kanilang bahay sa Kakuyagan, Jolo, Sulu.

February 3, 2009, dalawang staff ng Kasanyangan Foundation, Inc. isang NGO na nakabase sa Zamboanga City, ang na kidnap sa Sumisip, Basilan kung saan sila assigned.

Mga kasama, hindi po ito isang bangungot. Ito po ay isang mapait at nakakatakot na realidad na kailangan nating harapin NGAYON. Hindi po ito isang multo na umaanino lamang, kundi isang buhay na kalaban na ninanakaw at winawalay sa atin ang ating mga anak, magulang, kapatid, kaibigan, at mga mahal sa buhay, kapalit ng halagang karamihan sa atin ay walang kakayahang maibigay.

Para sa mga naging biktima at sa kanilang mga pamilya, kailanman ay hindi na mabubura ang sakit at takot ng mawalay sa mga mahal sa buhay, ang sa bawat araw ay pinangangambahan ang kamatayan, habang ang mga naiwan ay halos ibenta pati ang kaluluwa maipon lang ang hinihinging halaga.

Para sa ating lahat, lalo na sa katulad naming ang mga pamilya ay nasa Zamboanga, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi, ito ay isang salot na kumikitil sa ating kalayaan. Ang kalayaang lumabas ng ating mga tahanan, ang kalayang mamuhay ng walang takot at pangamba, ang kalayaang mamuhay ng payapa.

We can no longer hide behind the excuse that all these are perpetrated by the Abu Sayyaf or put the blame on any other group. Kahit po sa kasagsagan ng Abu Sayyaf noong 1990s hanggang unang bahagi ng 2000, hindi po umabot sa ganito ang sitwasyon. Hindi pa nangyayari kailanman na halos araw araw ay may biktima ng kidnapping. Para lamang silang namamasyal sa ating mga komunidad at hahablot ng kung sinumang kanilang makursunadahan.

 

Which brings us to the question: ano po ang ginagawa ng ating kapulisan? Nang ating mga lokal na pamahalaan? Ang mga kidnapping po ay hindi nagaganap sa mga liblib na lugar o sa kabundukan, kundi sa gitna mismo ng ating mga siyudad, sa mga palengke, sa mga kabahayan.

Nais ko po sanang marinig ang panig ng local government units, lalong lalo na nang Philippine National Police. Nasaan po ba sila at hindi nila mapigilan ang mga insidenteng ito? Sino po ba ang kanilang binabantayan, ang mga mamamayan o mayroon silang ibang pinag kaka-abalahan? Kaninong kapakanan po ba ang nangunguna sa kanilang mandato, ang mga ordinaryong sibilyan o ang mga pulitikong may sariling mga interest?

Katulad na lamang po ng balitang dumating sa inyong lingkod. Noong February 4, 2009 ay may nahuling Abu Sayyaf sa Basilan, ang pagkaka alam ko po ay ito ang kasama ni Alghozi na tumakas mula sa Camp Crame. Nahuli po ito sa Isabela, Basilan ngunit ayon sa mga saksi, may isang pulis na kinilalang si PO1 Osama Ismael na pumigil sa pag aresto nito. Habang nakikipag argumento ito sa mga kapwa pulis na nang huli, biglang nang hablot ang suspek ng Granada at sa puntong ito ay may dumating na police car, at isinakay ang suspek papalayo. Ayon sa City Police ng Isabela, ang nasabing police car na nagsakay sa suspek ay may nakasulat na Ungkaya Pukan Municipality at ang driver nito ay nakilalang si SPO2 Tacio Abdukadil

Ang tanong po, paano natin masusugpo ang kriminalidad tulad ng Kidnap-for-Ransom kung mismong ang tagapag patupad ng batas at mismong taga pangalaga ng seguridad ay siyang unang sumisira dito. Paano pa magtitiwala ang mga mamamayan, lalong lalo na ang mga biktima ng kidnapping at kanilang pamilya kung mismong ang mga otoridad ang nag aalaga at nagbibigay proteksyon sa mga kriminal?

Ladies and Gentlemen, fellow members of this Chamber, we can no longer pretend that the situation is still under control. An immediate, effective and comprehensive solution is needed. Instead of counting the victims, we must start the countdown towards the end of these kidnapping incidents. This is not an ordinary crime and as such, requires extraordinary solutions.

On this note, may I hereby urge my fellow members of this August body to do something; a probe into these latest series of kidnappings, it being a national issue that calls for immediate response. As legislators, we may need to review the policies of the government on the crime of Kidnap for Ransom, which may include inquiring into the mandate, capacity and performance of the Police Anti-Crime Emergency Response (PACER); and to assess the policies, capabilities and response of Local Government Units, the PNP, and all other stakeholders on this most alarming issue.

 

This is an urgent matter that requires our most urgent attention.

Maraming Salamat.

Wassalam.
 
< Prev   Next >

Warning!
Beware of a fraudulent website posing as the AMIN Party List Website.
Latest News
AMIN in Action
Comments
Who's Online
We have 2 guests online
 
 
AMIN Partry List advocates tri-people unity and peace in Mindanao
 
© 2010 AMIN - Anak Mindanao sa Kongreso - Congressman Mujiv S. Hataman, Party List Representative