|
Iniwan ni Jamilla, Chiz nahumaling kay Kim |
|
Ryan Ponce Pacpaco People's Taliba TAPOS na ang Pinoy Big Brother Teen Edition ng ABS-CBN Channel 2, pero talagang masayang-masaya si House Minority Leader at Sorsogon Rep. Francis ‘Chiz’ Escudero sa pagkakapanalo ni Chinese-Filipino Kimberly ‘Kim’ Chiu ng Cebu na kanyang sinuportahan nang husto. Sinabi ni Escudero, secretary general ng United Opposition (UNO) na naghahanda sa ikalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Arroyo, na ‘tumaya’ siya kay Kim na hinangaan niya ang kagandahan at ang positibong imahe upang magbigay ng inspirasyon sa mga kabataan. “Nothing really (wish) except that she was my bet to win from the start,” ani Escudero. Inamin ni Escudero na nalungkot siya sa pagkakasibak sa Big Four ng isa rin sa kanyang sinusuportahan at hinahangaang single-mom na si Jamilla. Umaasa naman sina Agusan del Sur Rep. Rodolfo ‘Ompong’ Plaza, Anak Mindanao Rep. Mujiv Hataman at An Waray Rep. Florencio “Bem” Noel na magsisilbing magandang halimbawa ang grupo ni Kim.
“We are hoping that these teeners will bring positiveness to Filipino youth,” ani Plaza. Sinabi naman ni Hataman na dapat baguhin ng mga miyembro ng teen edition na mamamayagpag sa showbiz ang masamang kultura ng mga kabataan na nahuhumaling ngayon sa pre-marital sex at masasamang bisyo katulad ng ilegal na droga. “Gabayan nila ang mga kabataan, iwasan ang mga bagay na magbibigay lamang ng problema sa kanilang mga magulang at sisira sa kanilang kinabukasan. Magiging idolo sila at dapat nilang gampanan iyan,” ani Hataman. Pinuntuhan naman ni Noel ang kahalagahan na maging modelo ang teeners bilang mga artistang patuloy na nag-aaral sa paghahanda sa kanilang kinabukasan. “Kahit may pagkakataon silang maghanapbuhay, i-tuloy nila ang kanilang pag-aaral para sa kanilang matibay na pundasyon sa pag-harap sa buhay,” ani Noel.
|
Hataman - Dumarpa An...
salamat! - Salam everyone! This is Dj...
Hataman - Dumarpa An...
Ms. - This is really great ! God spee...
Hataman - Dumarpa An...
NOTICE - To all guests: We would lik...
Hataman - Dumarpa An...
I think the term discrimination captu...
Hataman - Dumarpa An...
This is just great - This bill is gre...
Hataman - Dumarpa An...
Post Your Comments Here - Please Post...