|
galing sa Pinoy Weekly Online Michelle C. Monasterio MAGPAPASA ng resolusyon sa Kamara ang House Committee on Muslim Affairs na naglalayong manawagan sa mga Muslim sa Pilipinas na huwag tangkilikin ang mga produkto at kompanyang sumusuporta sa pagbomba ng Israel sa mga walang kalaban-labang sibilyan, lalo na sa mga bata’t kababaihang nadadamay sa mga pag-atake sa Lebanon. Pinaratangan ni AMIN (Anak Mindanao) Rep. Mujiv Hataman ang Israel ng paglabag sa mga batas pandaigdig dahil sa mga pag-atake nito sa Lebanon. Kaugnay nito’y kasalukuyang pinagluluksa ni Hataman ang mga biktima ng huling pag-atake na pumatay sa 60 sibilyan, 37 sa mga ito’y mga kabataan gayundin ang pagkamatay ng ilang miyembro ng United Nations Interim Force sa katimugang bahagi ng Lebanon noong Hulyo 25. “The aggression against Muslims in Lebanon should be stopped immediately,” ayon kay Hataman. Nananawagan din ang mga kongresista kay US Pres. George Bush at sa pamahalaan ng Britanya na makipagtulungan sa mga internasyunal at panlalawigang organisasyon na pinamumunuan ng UN (United Nations), EU (European Union), ASEAN (Association of Southeast Asian Nations, OIC (Organization of Islamic Conference at sa AL (Arab League) upang matuldukan na sa pinakapayapang paraan ang pag-atake ng Israel sa Lebanon at Gaza. “Lalo lang lumulubha ang sitwasyon dahil sa suportang ibinibigay ng US at Britanya sa Israel,” dagdag pa niya. Bilang pagtatapos, muling nanawagan si Hataman sa mga kapatid na Muslim sa iba’t ibang dako ng mundo na suportahan ang laban ng mga kapatid na Lebanese at Palestinian upang mapangalagaan ang kasagraduhan at kabanalan ng kanilang mga buhay, lupa at ari-arian. “Therefore, prepare yourselves and bravely face the Zionist Jews for the sake of Allah azza wajal,” sabi pa ni Hataman.
|
Hataman - Dumarpa An...
salamat! - Salam everyone! This is Dj...
Hataman - Dumarpa An...
Ms. - This is really great ! God spee...
Hataman - Dumarpa An...
NOTICE - To all guests: We would lik...
Hataman - Dumarpa An...
I think the term discrimination captu...
Hataman - Dumarpa An...
This is just great - This bill is gre...
Hataman - Dumarpa An...
Post Your Comments Here - Please Post...